Thursday, March 11, 2010

Day 1 - Puerto Princesa, Palawan

It was Friday the 13th when a 50% off promo in Cebu Pacific popped in my FB profile page. I wanted to grab it but I don't know where to go and what to do! In the end, my urge to travel won. Hihihi! In short, gumana ang pagiging lakwatsera ko! For Php 3,684.00 RT for 2 persons hindi na masama para sa 4 days 3 nights lakwatsa!

After months of researching at pangungulit sa GirlTalk sisters ko, natapos din ang itinerary namin. We're both very excited and worried as well. Cross-fingers kame na maging smooth yung travel at mag-enjoy lang kame since yun naman ang sasadyain namin dun. March 11-14, 2010 ang trip namin, tamang-tama lang para hindi masyadong nagmamadali sa tour at umpisa palang ng summer dito sa Pinas kaya di pa masyadong mainit. When the travel date finally came, at last ready na ang lahat!

8AM ang flight so inagahan namin ang alis ng bahay kasi baka ma-traffic since Friday yun. Before 7AM nasa NAIA 3 na kame, maaga pa pero ang dami ng tao! Too bad kasabay namin yung mga taga-China Bank na pupuntang PPC kaya nasa kadulu-duluhan na kame ng airplane. As in last seat! Pero buti na lang at window seat ang nakuha namin (**wink**). Naaliw na lang kame sa pagpi-picture sa clouds, islands, at sea na tanaw sa bintana ng plane

When we arrived at PPC, jampack ang tao sa baggage area! Buti kakaiba yung itsura ng bags namin kaya madali namin nakita at nakuha. As we went out ang daming nag-aabang na tao, parang sa NAIA lang! Sila pala yung drivers/guides na sumusundo sa tourists. May hawak silang placard with the name of the resort, hotel, or pension pati yung name ng guests nila nakasulat dun! Kaya hindi ka mawawala. Iba-iba din yung sasakyan nila --- merong tricycle, jeep, at van. Ours' was a BIG JEEP driven by Kuya Bobby. I'll never forget his name because kapangalan nya kapatid ko. At sa laki nya imposibleng hindi mo sya mapansin, joke! But Kuya Bobby was very nice, accomodating, and very knowledgeable with a great sense of humor! He is from Puerto Pension nga pala. We opted to stay there dahil sa nakita ko sa blog ni Diane eh maganda at malinis yung place. Kung gusto nyo talagang magrelax without thinking about the budget masyado, this is the best place lalo na sa couple at family. On our way to the pension, nagbigay ng konting info si Kuya Bobby samin. At lahat ng sinabi nya yun din yung na-research ko! Siguro 10-15 minutes lang nasa pension na kame. Konting usap kay Ate Bel sa frontdesk tapos binigyan na nya kame ng temporary room where we can freshen up. 12nn pa kasi ang check-in time, pero kung available na yung room nyo ibibigay na sa inyo agad. 1 hour lang kame nagstay sa temporary room, nilipat na din kame sa room talaga namin. Ang cozy sa loob, Pinoy na Pinoy ang ambiance at sobrang relaxing sa mata! In fairness hindi malamok, maingay at mainit sa loob ng room.

Kuya Bobby Ate Bel, Kuya and Me Puerto Pension Queen-sized Bed Mini Ref Toilet 1

After we transferred our things on our room, I texted Kuya Danny na pwede na kame mag-City Tour. Yung pala nasa labas na sya ng pension mula ng dumating kame sa PPC. He was so patient, two thumbs up sya dun for me! Napakatahimik nyang tao, pero mukha syang mabait. At hindi naman kame nagkamali on our first impression about him. And he does not look 40+ huh!

He asked us if we want to have lunch first, then he brought us to Badjao Seafood Restaurant. Sa mga taga-PPC parang SOP na nilang dalhin ang guests sa Badjao for lunch or dinner kasi talagang hindi pwedeng palampasin yung place na yun. I love their food, ay "we" pala! Dagdag mo pa yung ambiance na sa entrance palang mangroves na ang makikita mo with tiny fishes sa ilalim, and as you enter the place parang busog ka na sa view ng dagat ng Palawan. Hindi ka din magdadalawang isip kung tight ang budget mo kasi murang-mura lang ang food nila, pero hindi tinipid ang quality at quantity. Sabi nga ni boyfie, only in Palawan! Hehehe!

Melvin and Kuya Danny Badjao Seafront Restaurant Badjao entrance Photobucket Photobucket Photobucket

After we had lunch we went on city tour with Kuya Danny pa din. Naka-tricycle lang kame since 2 lang naman kame. And the journey to PPC begins...